Saturday, November 04, 2006
pagbabago

masarap balik-balikan ang mga masasayang araw ng nakaraan... masarap alalahanin ang mga taong kapiling mo sa pagtawa at pangiti... kay sayang isipin ang mga pagkakataon na nasabi mo sa sarili mo "wala na akong mahihiling pa"... ngunit wala sa mundong ito ang permanente. kung minsan sadyang mapagbiro ang tadhana. dapat lang ay sabayan mo ang ihip ng hangin, dapat matutong magpaalam. ngunit hindi naman sa pagbatid ng pamamaalam natatapos ang lahat. marahil sa pagsara ng mga yugtong ito ay kasabay naman ang pagbuklat ng mga bagong pahina. sa bawat araw na darating ay isa nanamang pagkakataon na ipinta ang ating buhay. may takot man at kaba sa iyong puso, isipin na lang ang mga kahapon na nagdaan... ang mga unos na nalagpasan at ang mga pighati na napalitan ng galak. patuloy lang ang pagikot ng mundo, sabayan mo na lang....
7:45 AM